Kamakailan lang napagpasyahan kong manuod ng sine kasama ang isang… kaibigan… Manunuod sana kami ng The Dark Knight dahil matagal na rin akong naririndi sa mga papuri kay Heath Ledger ngunit sa kasamaang palad, nang kumunsulta kami sa oras, nakapagsimula na ito at malamang ay nasa kalagitnaan na. Naging ugali ko na ang pumasok lamang ng sinehan kung ang palabas ay magsisimula pa lamang. Hindi ko gusto ang simulan ang isang pelikula sa gitna, at saka na lang ulitin. Parang nagsayang lang ako ng pera kung ganoon. Nang tinignan naming ang ibang palabas, wala na kaming naging choice. A Very Special Love lang nila Sarah Geronimo ang hindi pa nakapagsimula. Kaya napilitan man ako. Wala na rin akong nagawa…
Oo sige na… Gusto ko rin panuorin ang pelikulang yon. Pareho kami ng aking kasama na nagkasundong panuorin ang naturang palabas. Tutal naman ay date movie naman ang Very Special Love, kaya nagpaubaya na rin ako. Tsaka dapat lang na suportahan natin ang mga pelikulang Pilipino. (WOOO!daming dahilan!)
Sa kabuuan ay ok naman ang nasabing palabas. Maraming kilig moments. Paglabas naming ng sinehan, sabi ng kasama ko, “ang ganda ng film!” naisip ko, paraan nya lang yon para sabihin nya sakin na “masaya akong kasama kita”. Kasi kung ita-translate mo nga naman, “ang ganda ng film!” = “I had a great time with you.” Kinabukasan may tatlong barkada kong lalaki ang nagtanong sakin kung maganda ang “A Very Special Love.” Ang mga gago, gagamitin ding pang-“da moves movie” ang palabas. Yung isa dun, dalawang beses pang pinanood ang pelikula hindi dahil nagandahan siya sa palabas, kung di dahil dalawang magkaibang babae ang kailangan nyang i-date! Kaya kayong mga babae diyan, pag biglaan na lang kayong niyaya na manood ng “A Very Special Love” ng kakilala nyo, alam niyo na kung bakit.
Post a Comment