I have encountered this post from this kid Third Lizardo (his blog is: thirdlizardo.com) enumerating the signs of being a Mapuan from Intramuros. Kaso, his post caters a new blood of Mapuans that us “priors” could barely relate. Maybe for some five to six points pero karamihan bago para sa atin. So I have decided to tweak the list and make it relatable para sa mga matatandang “priors” and some extra to the School of CE-EnSE.
1. You know the OLD TESTAMENT, and you use it… Religiously.
Nope, definitely not that one from the Holy Bible. Eto yung lumang lab reports na pwedeng pagkopyahan na nabibili sa eskinita sa gilid ng Mapua (before pa naging hotel yung abandoned building sa kanto). Unless isa ka sa mga “Super Saiyan” nung time namin, sigurado ginamit mo ‘to. Siguraduhin mo lang na babaguhin mo ang ibang words. Specially sa Chem at Physics Lab Reports na sinusulat by hand at ginagamitan mo ng…
2. You know 1-3-3, and 2-4-4.
Hindi rin yan measure or bar ng isang kanta, kungdi type ng guidelines na ginagamit para sa pag-susulat ng engineering lettering para sa mga reports, gamit ang iyong Staedtler or Rotring na Tech pen or Uni felt tip o di kaya My Gel na sign pen sa substance 24 (with border) na papel. (Now as I write this, ang daming arte pala nung time ng “priors”). Computerized report is a huge NO! Unless palakasan na lang ng loob para gamitin ang…
3. You know JPCS font (also known as Engineering Lettering font).
During our time that this font was invented. Bibihira lang ang may lakas ng loob para tahakin ang landas na ito sa pag-gawa ng laboratory reports. Yung iba ang ginagawa para hindi mahalata (or paranoia na lang talaga) ay gumagamit ng lapis o ballpen na walang tinta para bakatin ang printed out letters. Come to think of it, parang nagsulat ka na rin ng report mo pag ginawa mo to. Double effort pa. Unless pasang awa ka lang sa Drawing 1 at talagang ang pangit ng engineering lettering mo.
4. You are forced to memorize the Mapuan Mission and Vision.
Kapanahunan ng pag-aapply ng Mapua para sa ABET accreditation. Kailangan daw maging handa sa mga ambush interview para sa parpapa-recite ng Mapuan Mission at Vision. Pero ni minsan walang ambush interview na nangyari. We’ve been fooled!
5. You know the Dog House/Lung Center.
Ghost Fighter, Dragon ball, Slam Dunk, ay ilan sa mga palabas na pinakaaabangan sa TV ng Dog house. Pag mga ganito na ang palabas, puno ang dog house (hanggang sa labas ng kalye ng Muralla). Tinawag din itong Lung Center dahil dito lang legal mag-yosi sa loob ng campus. Pero kung puno na ng tao dito, pwede kang lumipat sa…
6. You know the place called E-Forum.
Kung puno ang dog house at di ka makanood ng Meteor Garden, dito ka pwedeng pumunta. Bili ka lang ng mineral water tapos upo ka na at makinood (pakapalan na lang ng mukha). Ayun ang resulta, nagsara yung e-forum.
7. You know Manang’s Pork Chop.
At ang sarsang isinasabaw mo sa kanin. Of all the stalls sa intra wall, si Manang lagi ang unang nauubusan ng tinda. Sadyang musika sa tenga ang panghalina nyang “kain na suki!” at ang malumanay nyang “tenk yu!” dahil sa pagiging honest mo sa pagbabayad sa kanya. Kung wala ka namang budget, punta ka sa…
8. You know 664!!!
Tatlong numerong katumbas ay mura (at maruming) pagkain na sulit na sulit! Isang kanin dalawang ulam sa halagang 15pesos! At sinong makakalimot sa kawa-kawang tocinong binabad sa arnibal!? Pantawid-gutom at its best!
9. You’ve eaten at Kwek Kwekan, Fish Ball-an, Hotdog-an just outside Intra, near Golf Course.
(Salamat Raymond Daria for this) Ika nga ni Raymond: “20 pesos lang pero ang dami mo nang nakain!” Ang lugar na kung saan ang pagkain ay “mukha namang malinis”, pero masarap. May droga atang hinahalo sa batter ng kwek-kwek kaya siguradong babalik-balikan mo.
10. Nagpa-kanton ka na sa kantunan.
Walang kasing sarap ang canton na nabibili sa Kantunan. Kahit anong luto mo sa bahay, di mo pa rin makuha ang lasa dahil iba pa rin ang linamnam ng pinagpakuluan ng sari-saring noodles ng Lucky Me Pancit Canton at Yakisoba na maghapong di pinapalitan, served in a plastic bowl covered with plastic labo. Sasabayan mo pa ng egg sandwich o haplong (half na footlong) at softdrinks?! Ahh yummy!
11. Welcome to Quarterm!
So far, (as far as I know) wala pang nakaka-gaya sa feat na ito ng Mapua. 4 semester per academic year. Goodbye social life. Goodbye pera. Good luck brain. When everyone is on vacation, ikaw naman papasok ng school.
12. You know where’s BETTER or MAGZ.
Ang lugar kung saan ina-apply ang mga natutunan sa Physics sa pamamagitan ng Billards (at beer).
13. You know where to get the Overhead Projector.
Inabot mo ang old school type of presentation na kung saan ang “slide” ay hindi sa powerpoint, kungdi ang sulat ng pentel pen sa acetate. And where to get it? Southwest 4th floor/Northwest 4th floor. Deposit mo lang ID mo.
14. E.T.: two letters that’s feared the most.
Emmanuel T Santos… Physics… Goodluck! Kung gusto mo naman may Agas pa. Or Cayanan.
15. Feel like a Samurai with your T-Square.
Ang pang-yabang sa lahat na isa kang engineering student, pag-sukbit ng T-square sa likod na parang Samurai Sword.
16. Suspension? Ano yun?
Tinatawanan lang ng Mapuans yan! Ikaw na lang ang papasok ng school habang ang iba naglalagay na ng gulong sa bahay sa lakas ng bagyo. Tapos pagdating mo ng school, saka lang sasabihin na suspended ang klase. Kaso baha na sa buong Metro Manila at mahirap na umuwi… Ang ending, papa hupa ka ng baha at manood na lang ng sine sa SM Manila.
17. Sir Cinco na nagbibigay ng 1. At si Sir Juan na nagbibigay ng Sinko.
Sorry Sir Juan, alam ko Friends tayo sa FB, pero yan ang reputation mo noon. Pero once naman nakilala nyo yung dalawang heartthrobs na ito ng drawing department, mabait naman sila pareho (no joke yon Sir Juan, shot tayo pag-uwi ko).
18. North Building toilets… #AlamNa
Ang mga tronong tahimik. Ideal to do the number 2. Paborito ko ang sa 2nd Floor, malapit sa EMSE.
19. One Stop Shop: ADAMS
Substance 24, Tech pen, T-square, tracing paper, lahat andon. At ang famous internet shop sa taas na bibili ka ng code sa counter na nasa gitna, and ie-enter mo sa station mo ang code para sa timer ng paggamit mo ng PC. Yun ay kung may budget ka sa pagpapa-print at pag-rent ng PC. Pero kung gusto mo ng mas mura, punta ka sa…
20. Likod ng SM Manila…
Murang rent ng computer at ang birth place ng “Piso Print”.
21. Beer Garden is the place to be.
Lasingan? Tambay na sa Beer Garden! Or sa JVC sa likod ng school..
22. You’ve watched an NCAA game… So you can be absent for PE.
Maka-iwas lang talaga sa PE classes. Minsan di pa nga nanonood e, bibili lang talaga ng ticket para sa attendance.
23. Foundation Week!!! (A.K.A. panahon ng paper bridge making at egg dropping contest).
Seryoso, wala na bang ibang contest?! Lagi na lang yon!?
24. You’ve sported the "Pao-Tsin" perfume.
For a school that produces a handful of world class engineers, simpleng exhaust lang ng canteen di pa maiayos. Maging handa sa pag-kapit ng halimuyak ng piniritong shark’s fin sa damit mo sa halos isang minuto mo lang na pag-stay sa canteen.
25. You know where’s the noisiest place in the school… Library!
Ito na siguro ang isa sa pinaka-maingay na lugar sa Mapua. Lalo na kapag ang init sa labas. Tapos dun ka tatambay sa reference section para mas hip! Kunyari nakabukas sa harap mo yung libro ni Palafox about urban planning pero nakikipag-daldalan ka lang sa kasama mo.
At para sa mga taga School of CE-EnSE:
26. Nag-fo-formal once a month para sa class ni Sir Galias.
At lahat ng babae dapat asa front rows. #AlamNaForGirls
27. Jackpot kay Sir Gatsby!
You know the stories… #AlamNaForBoys
28. Two generations of Asis.
Astig na feat kapag naging prof mo ang mag-tatay na Asis. Proud moment always kapag nakikita mong ini-interview sa TV si Tatay Asis.
29. Engr. Jose Rizal P Sanedrin.
Pangalan pa lang astig na.. need I say more?!
30. Words of wisdom from Engr. Bong Santos.
At kapag halos gusto mo nang umayaw, tandaan lang words of wisdom ni Sir Bong: “There’s no such thing as failure… only success delayed!”
Those were the good 'ol days! Masayang throwback kumbaga. Aminin mo man o hindi, mahirap paniwalaang naka-graduate ka ng Mapua. At sa bandang dulo, kahit gaano man katagal ang lumipas, saulado mo pa rin ang student number mo, at ang parte ng Mapua Hymn na "... of the M and the I and the T..." (Yep! Yang part lang na yan! Yan lang! Kasi yung iba di mo ma-memorize) Kasi, "Once a Mapuan, Always a Mapuan!"